SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ PAGTATAYA GABAY SA PAGSUSURI

 1. Sino Ang personang nagsasalita sa Tula? Ano Ang kanyang sinasabi? 


 - Ang persona nagsasalita sa tulang ay Ang isang mamamatay Tao. Sinasabi niya sa tulang ito Kung paano pumatay Ng isang tao, dito din sinabi ng mamamatay Tao Ang kanyang mga karanasan sa ganitong mga Gawain.



2. Ano'ng hayop ang pinapaslang sa Tula? Paano it natutulad sa pagpaslang sa Tao


 - Ang hayop na pinapaslang sa Tula ay butiki naihahalintulad ito sa mga taong walang Kaya o mga taong salat sa buhay mga taong mangmang at mga taong na takot sa mga katungkulan at sunod-sunoran lamang. Ito ay Ang mga taong inaabuso, minamaltrato ng mga taong may Kaya at may kapangyarihan sa lipunan.



3. Ano ang ibig sabihin Ng huling taludtud Ng Tula?


 - Ang ibig sabihin Ng huling taludtud ay Kung Hindi sya ang papatay o gagawa ay sa ibang Tao nya ito ipapagawa ngunit ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob ay ang kaniyang mga Mahal sa buhay at mga taong malalapit sa kanya tulad Ng kaibigan at mga kamag-anak ngunit habang siya ay pumapaslang o pumapatay ang kanyang mga Mahal sa buhay ay nakatingin lamang sa kaniya.



4. Kanino iniaalay Ng may-akda Ang Tula? Sino-sino Kaya sila?


 - Iniaalay ng may akda ang tulang ito sa mga mambabasa upang malaman nila kung ano ang ginagawa ag isang mamamatay tao at kung gaano ito sanay sa paggawa ng mga maling Gawain. Ang pagkitil sa buhay Ng may buhay ay parang ordinaryong Gawain na lamang para sa kaniya.


Mungkahing gawain


1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso Ng pagpaslang sa panahon Ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa Ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.


 - Mga armadong kalalakihan (naka unipormeng pang-militar) ang pumasok sa kanilang bahay ay agarang binugbog si Toto gamit ang kanilang mga baril at patuloy nilang sinaktan; sinubukan nyang tumakas … ngunit pilit syang hinihila pabalik, at patuloy pa rin ang kanilang pananakit … sa huli ay binaril na siya. —“Jaime,” saksi sa pagpatay ng aktibistang si Rene Quirante noong Oktubre 1, 2010


-Ang buhay Ng isang tao ay walang kasiguradohan dahil Hindi natin Alam Kung kailan Tayo mamamatay maaaring bukas o sa makalawa o sa mga sumusunod na araw o buwan. Ang kamatayan at walang pinipiling Tao mayaman man o mahirap walang pinipiling lugar at walang pinipiling edad matanda man o Bata ay pwedeng mamatay.


2. Nakasusulat Ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba't-ibang isyu ukol sa karapatang pantao.


(KARAPATANG PANTAO)

BY: Rose Ann C. Felix


Lahat Tayo


Ay naninirahan sa napakagandang mundong Ito

Ano mang estado Ng buhay

Sa Mata Ng Panginoong Diyos lahat Tayo ay pantay-pantay.


Mayaman man o mahirap

Bata man o matanda

May kapansanan man o Wala

Lahat tayo ay may karapatang mamuhay ng mapayapa at walang tinatapakang iba.


Karapatang magmahal, maging Malaya at maging masaya

Igalang at pahalagahan natin Ang ating karapatan

Panatilihin natin Ang kaayusan

Upang maiwasan ang alitan,kaguluhan at hindi pagkaintindihan.



3. Mapapahalagahan Ang dinamikong ugnayan Ng panlipunang realidad at Ng panitikan.


- Halos lahat Ng gawang pampanitikan ay may malalim na kahulugan na nais ipaabot o iparating sa mga taong naninirahan sa mundong ibabaw. Lahat Ng may akda ay binabasi Ang kanilang gawa sa isang totoong pangyayari at Kung pagpapahalaga Lang Naman Ang ating pag-uusapan napakaraming paraan katulad na lamang Ng paggawa Ng makabayang Tula at pagbabahagi Ng mga bugtong sa mga kabataan. Marapat na pahalagahan natin ang panitikan sapagkat malaki ang naitutulong ng panitikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating lipunan. Sa panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday na ating matatayog at marangal na simulain na naging puhuinan sa pagbuo ng isang lipunan. Ipinakita nito kung ano ang mga nangyayayari sa mundo at upang malaman ng mga tao kung ano ang dapat mabigyang pansin na problema o kinakaharap ng bawat isa. Nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa pag-hulma ng lipunan dahil tinutulungan nito ang mga mamamayan na bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang kasalukuyang sistema.

Comments